Font Size
1 Cronica 9:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 9:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Ang lahat ng bantay-pinto ay umaabot sa 212. Sila'y kabilang sa listahan ng kani-kanilang nayon. Si David at ang propetang si Samuel ang naglagay sa kanila sa tungkuling ito sapagkat sila'y mapagkakatiwalaan. 23 Sila at ang kanilang mga anak ang naging bantay sa pinto ng Templo. 24 Sa apat na panig nito, sa silangan, sa kanluran, sa hilaga at sa timog ay may mga bantay.
Read full chapter