Font Size
1 Cronica 9:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 9:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
31 Isa sa mga Levita na mula sa angkan ni Korah, si Matitias na panganay ni Sallum ang tagagawa ng manipis na tinapay. 32 May ilan pang mula sa angkan ni Kohat ang tagaayos naman sa mga tinapay na handog tuwing Araw ng Pamamahinga.
33 Ito ang mga pinuno ng mga sambahayang Levita na umaawit at doon na rin tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, sapagkat kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi.
Read full chapter