Add parallel Print Page Options

51 May nagsabi kay Solomon, “Natakot sa inyo si Adonia, at ngayoʼy nakahawak siya sa parang mga sungay na bahagi ng altar. Hinihiling niya na sumumpa kayong hindi nʼyo siya papatayin.” 52 Sinabi ni Solomon, “Kung mananatili siyang tapat sa akin, hindi siya mapapahamak.[a] Pero kung magtatraydor siya, mamamatay siya.” 53 Pagkatapos, ipinakuha ni Haring Solomon si Adonia roon sa altar, at pagdating ni Adonia, yumukod siya kay Haring Solomon bilang paggalang. Sinabi ni Solomon sa kanya, “Umuwi ka na.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:52 hindi siya mapapahamak: sa literal, wala ni kahit isang buhok niya na mahuhulog sa lupa.