Add parallel Print Page Options

Ang Sinabi ni Propeta Ahia Laban kay Jeroboam

14 Nang panahong iyon, nagkasakit ang anak na lalaki ni Jeroboam na si Abijah. Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Shilo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahia, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel. Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang garapong pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”

Read full chapter