Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Abijah sa Juda(A)

15 Noong ika-18 taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abijah. Sa Jerusalem tumira si Abijah, at naghari siya sa loob ng tatlong taon. Ang ina niya ay si Maaca na apo[a] ni Absalom.[b]

Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Dios; hindi tulad ni David na kanyang ninuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:2 apo: Si Maaca ay anak ni Uriel na asawa ni Tamar. Si Tamar naman ay anak ni Absalom. Ganito rin sa talatang 10.
  2. 15:2 Absalom: sa Hebreo, Abisalom, na siya ring si Absalom.