Add parallel Print Page Options

28 Kaya sumigaw pa sila nang malakas at sinugatan ang mga katawan nila ng sibat at espada ayon sa kinaugalian nila, hanggang sa dumanak ang dugo. 29 Lumipas ang tanghali, tuloy-tuloy pa rin ang pagsigaw nila hanggang lumampas na ang takdang oras ng paghahandog,[a] pero wala pa ring sumagot sa kanila.

30 Nagsalita si Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin.” At nagsilapit ang mga tao sa kanya. Inayos niya ang altar ng Panginoon na nagiba.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:29 hanggang … paghahandog: sa literal, hanggang sa pag-aalay ng handog. Ginagawa ito sa paglubog ng araw.