Add parallel Print Page Options

33 Siya at ang angkan niya ang mananagot magpakailanman sa pagkamatay ng mga taong ito. Pero si David at ang angkan niyaʼt kaharian ay bibigyan ng mabuting kalagayan magpakailanman.”

34 Kaya pinuntahan ni Benaya si Joab at pinatay. Inilibing siya malapit sa bahay[a] niya sa ilang. 35 Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaya kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Zadok.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:34 malapit sa bahay: o, sa libingan.