Add parallel Print Page Options

21 Ganoon ang paglusob nina Haring Ahab ng Israel. Marami silang pinatay na Arameo at pinagkukuha[a] nila ang mga kabayo at mga karwahe ng mga ito. 22 Pagkatapos nito, lumapit ang propeta sa hari ng Israel, at sinabi, “Maghanda kayo at magplano nang mabuti, dahil lulusob pong muli ang hari ng Aram sa susunod na taon.”

23 Samantala, sinabi ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanya, “Ang dios ng mga Israelita ay dios ng mga bundok; iyan ang dahilan ng kanilang pagwawagi. Pero kung makikipaglaban tayo sa kanila sa kapatagan, siguradong matatalo natin sila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:21 pinagkukuha: Ganito sa isang lumang teksto. Sa Hebreo, pinagsisira.