Font Size
1 Hari 20:38-40
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Hari 20:38-40
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
38 Pagkatapos, lumakad ang propeta at tumayo sa daan para hintayin na dumaan ang hari ng Israel. Nagbalat-kayo siya sa pamamagitan ng paglalagay ng piring sa mata para hindi makilala. 39 Pagdaan ng hari, sumigaw ang propeta sa kanya, “Mahal na hari, sumama po ako sa labanan, at doon ay may taong nagdala sa akin ng bihag at sinabi, ‘Bantayan mo ang taong ito. Kapag nakatakas siya, papatayin ka o pagbabayarin ng 35 kilong pilak.’ 40 Pero naging abala po ako sa ibang mga gawain kaya nakatakas ang bihag.”
Sinabi ng hari, “Dapat ka ngang parusahan ayon sa sinabi mo.”
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®