Add parallel Print Page Options

25 Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beersheba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.

26 May 40,000[a] kwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayong pangkarwahe at may 12,000 siyang mangangabayo.[b] 27 Ang mga gobernador sa mga distrito ang nagbibigay ng pangangailangan ni Haring Solomon at ng lahat ng nasa palasyo. Ang bawat isa sa kanila ay may responsibilidad sa pagbibigay bawat buwan. Tinitiyak nilang maibibigay ang mga pangangailangan ni Solomon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:26 40,000: Sa ibang mga tekstong Septuagint, 4,000. Tingnan din ang 2 Cro. 9:25.
  2. 4:26 siyang mangangabayo: o, mga kabayo.