Add parallel Print Page Options

2-3 Ang isa sa mga gusali nito ay tinawag na Kagubatan ng Lebanon. Ang haba nito ay 150 talampakan, ang luwang ay 75 talampakan at ang taas ay 45 talampakan. Ito ay may apat[a] na hanay ng mga haliging sedro – 15 bawat hanay, at nakatukod ito sa 45 na pambalagbag sa ibabaw ng haligi kung saan nakakabit ang kisameng sedro. Ang dalawang gilid ng gusaling magkaharap ay may tatlong hanay na bintana na magkakasunod. May tatlong hanay rin itong parihabang mga pintuan na magkakaharap.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:2-3 apat: sa tekstong Septuagint, tatlo.