Add parallel Print Page Options

11 ibinigay niya ang 20 bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tyre. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres[a] at ng ginto na kanyang kailangan. 12 Pero nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tyre para tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito. 13 Sinabi niya kay Solomon “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul,[b] at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:11 sipres: o, “pine tree.”
  2. 9:13 Cabul: Maaaring ang ibig sabihin nito sa Hebreo, walang halaga.