Add parallel Print Page Options

26 Nagpagawa rin si Solomon ng mga barko sa Ezion Geber, malapit sa Elat[a] na sakop ng Edom, sa dalampasigan ng Dagat na Pula. 27 Nagpadala si Hiram ng mga marino na bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon. 28 Naglayag sila sa Ofir at bumalik sila na may dalang 15 toneladang ginto at dinala nila ito kay Haring Solomon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:26 Elat: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, Elot.