Add parallel Print Page Options

Ang aming nakita at narinig ang ipinapahayag namin sa inyo, upang magkaroon din kayo ng pakikipagkaisa sa amin. Ang pakikipagkaisa nating ito ay sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Isinusulat namin ang mga ito upang maging lubos ang aming[a] kagalakan.

Ang Diyos ay Liwanag

Ang Diyos ay liwanag at sa kanya'y walang anumang kadiliman. Ito ang mensahe na narinig namin mula sa kanyang Anak na siya naman naming ipinahahayag sa inyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Juan 1:4 aming: Sa ibang manuskristo'y inyong.