Font Size
1 Juan 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Juan 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos.[a] Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. 6 Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.
Ang Bagong Utos
7 Mga(A) minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo.
Read full chapterFootnotes
- 5 umiibig nang wagas sa Diyos: o kaya'y iniibig ng Diyos nang wagas .