Font Size
1 Juan 2:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Juan 2:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Bagong Utos
7 Mga(A) minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. 8 Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo at nakikita rin naman sa atin.
9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa.
Read full chapter