Add parallel Print Page Options

10 Ganito ang pag-ibig, hindi sapagkat inibig natin ang Diyos kundi dahil siya ang umibig sa atin at sinugo ang kaniyang Anak bilang kasiya-siyang handog para sa ating mga kasalanan. 11 Mga minamahal, yamang iniibig tayo ng Diyos, dapat din naman tayong mag-ibigan sa isa’t isa. 12 Walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin.

Read full chapter