Add parallel Print Page Options

Sa ganitong paraan ninyo malalaman ang Espiritu ng Diyos: Ang bawat espiritung kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay mula sa Diyos. Ang bawat espiritung hindi kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay hindi mula sa Diyos. Ito ang espiritu ng anticristo na narinig ninyong darating at narito na nga sila ngayon sa sanlibutan.

Munting mga anak, kayo ay mula sa Diyos at sila ay napagtagumpayan ninyo sapagkat higit siyang dakila na nasa inyo kaysa sa kaniya na nasa sanlibutan.

Read full chapter