Font Size
1 Macabeo 10:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Macabeo 10:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Sa pamamagitan ng liham na ito'y ipinagbibigay-alam ko sa inyo na mula ngayo'y hindi na kayo kailangang magbayad ng karaniwang buwis, buwis sa asin, at iba pang tanging buwis. 30 Bukod(A) dito, mula sa araw na ito'y malaya na kayo sa pananagutang magbigay sa akin ng ikatlong bahagi ng inyong aning trigo at ng kalahati ng aning bungangkahoy. Mula ngayon, hindi ko na hihingin ang mga kabayarang ito mula sa Judea o sa tatlong purok na napadagdag sa Judea mula sa Samaria at sa Galilea. 31 Ang Jerusalem, kasama ang mga lupaing nasa paligid nito, ay kikilalaning isang banal na lunsod at hindi magbabayad ng anumang buwis.
Read full chapter