Add parallel Print Page Options

50 Sa wakas, nagsumamo sila kay Simon na makipagkasundo na. Pumayag ito, inalis sila sa kuta, at ito'y nilinis pagkatapos. 51 Nang ika-23 araw ng ika-2 buwan, taong 171, nagkaroon ng malaking pagdiriwang sa lunsod sapagkat nagwakas na ang kahindik-hindik na banta sa Israel. Pumasok sa kuta si Simon at ang kanyang mga tauhan na umaawit ng himno ng pagpupuri at pasasalamat habang may hawak na mga sanga ng palma, at tumutugtog naman ng alpa, pompiyang at lira ang iba. 52 Nagpalabas ng utos si Simon nang araw na iyon na ang naturang araw ay dapat ipagdiwang taun-taon. Pinatibay niya ang mga tanggulan ng Templo sa gawing kaburulan paharap sa kuta at doon sila humimpil ng mga tauhan niya.

Read full chapter