Add parallel Print Page Options

58 Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. 59 Ipinasya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayon ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng Templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan.

60 Pagkatapos, pinatibay nila ang muog ng Bundok ng Zion. Tinayuan nila ito ng matataas na pader at matitibay na tore sa palibot, upang hindi na maulit ang ginawa sa kanila ng mga Hentil.

Read full chapter