Font Size
1 Mga Hari 1:19-21
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 1:19-21
Ang Biblia, 2001
19 Siya'y nag-alay ng mga baka, mga pinatabang hayop, ng napakaraming tupa, at inanyayahan ang lahat ng anak na lalaki ng hari, at si Abiatar na pari, at si Joab na puno ng hukbo; ngunit si Solomon na iyong lingkod ay hindi niya inanyayahan.
20 Panginoon kong hari, ang paningin[a] ng buong Israel ay nakatuon sa iyo, upang iyong sabihin sa kanila kung sino ang uupo sa trono ng aking panginoong hari pagkamatay niya.
21 Kung hindi, mangyayari na kapag ang aking panginoong hari ay natutulog na kasama ng kanyang mga ninuno, ako at ang aking anak na si Solomon ay mabibilang sa mga may sala.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 1:20 Sa Hebreo ay mga mata .