Add parallel Print Page Options

31 Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David (A)magpakailan man.

Si Salomon ay pinahiran ng langis upang maging hari.

32 At sinabi ng haring si David, (B)Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.

33 At sinabi ng hari sa kanila, (C)Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at (D)ilusong ninyo siya sa (E)Gihon.

Read full chapter