Add parallel Print Page Options

11 (A)At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, ay nagsipagdala ng saganang kahoy na (B)almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir.

12 (C)At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at ginawa ring mga alpa. At mga salterio sa mga mangaawit: kailan ma'y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug, o nakita man, hanggang sa araw na ito.

13 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang naibigan, at lahat niyang hiningi, bukod doon sa ibinigay ni Salomon sa kaniya na kaloob-hari. Sa gayo'y bumalik siya, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya, at ang kaniyang mga lingkod.

Read full chapter