Add parallel Print Page Options

25 Naging kaaway siya ng Israel sa buong panahon ng paghahari ni Solomon.

Ang Pag-aaklas ni Jeroboam

26 Isa pa sa mga lumaban kay Solomon ay isa ring tauhan niya, si Jeroboam na anak ng Efrateong si Nebat na taga-Sereda. Ang ina niya'y si Serua na isang biyuda. 27 Ito ang kasaysayan ng kanyang paghihimagsik laban sa hari. Ipinagagawa ni Solomon ang muog ng Millo at pinatatakpan ang mga butas sa pader ng Lunsod ng Jerusalem.

Read full chapter