Add parallel Print Page Options

Si Jeroboam ay nagtindig laban sa hari. Ang hula ni Ahias.

26 At si (A)Jeroboam na anak ni Nabat, na (B)Ephrateo sa Sereda, na lingkod ni Salomon, na ang pangalan ng ina ay Serva, na baong babae, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.

27 At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari: itinayo ni Salomon ang (C)Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama.

28 At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang: at nakita ni Salomon ang binata na masipag, at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose.

Read full chapter