Add parallel Print Page Options

34 Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan:

35 Kundi (A)aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi.

36 At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na (B)aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na (C)bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.

Read full chapter