Font Size
1 Mga Hari 11:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 11:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga altar ang mga diyus-diyosan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito'y nagsunog doon ng insenso at naghain ng mga handog.
9 Nagalit si Yahweh kay Solomon dahil sa ginawa niyang ito. Dalawang beses na nagpakita sa kanya si Yahweh 10 at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyosan. Ngunit hindi niya sinunod si Yahweh.
Read full chapter