Font Size
1 Mga Hari 13:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 13:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 “Ihanda ninyo ang asnong sasakyan ko,” utos ng ama. Inihanda nga ng mga anak ang asno at sumakay ang propeta. 14 Hinabol niya ang propeta ng Diyos at inabutan niyang nagpapahinga sa lilim ng puno ng ensina. “Ikaw ba ang propeta ng Diyos na nanggaling sa Juda?” tanong niya.
“Ako nga po,” sagot naman nito.
15 “Sumama ka sa akin sa aming tahanan upang makakain,” anyaya ng matandang propeta.
Read full chapter