Font Size
1 Mga Hari 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Noon di'y nagkadurug-durog ang altar at sumambulat nga ang mga abo na nasa ibabaw ng altar, gaya ng ipinahayag ng lingkod ng Diyos. 6 Nakiusap ang hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Diyos mong si Yahweh at hilingin mong magbalik sa dati ang aking kamay.”
Nanalangin nga ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, at gumaling ang kamay ng hari. 7 Inanyayahan ng hari ang lingkod ng Diyos na sumama sa kanya at kumain sa kanyang bahay at pinangakuan pang bibigyan ng gantimpala.
Read full chapter