Add parallel Print Page Options

Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (A)Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,

(B)At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, (C)na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;

Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, (D)at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang (E)binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo (F)ako sa iyong likuran;

Read full chapter