Add parallel Print Page Options

28 Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda ay pinatay si Nadab[a] ni Baasa, at naghari na kapalit niya.

29 Nang(A) siya'y maging hari, pinagpapatay niya ang buong sambahayan ni Jeroboam. Wala siyang iniwan kay Jeroboam ni isa mang humihinga, hanggang sa kanyang malipol, ayon sa salita ng Panginoon na kanyang sinabi sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na Shilonita.

30 Ito ay dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam na kanyang ginawa, at kanyang ibinunsod sa pagkakasala ang Israel at dahil sa kanyang panggagalit sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 15:28 Sa Hebreo ay siya .