Font Size
1 Mga Hari 15:29-31
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 15:29-31
Ang Biblia, 2001
29 Nang(A) siya'y maging hari, pinagpapatay niya ang buong sambahayan ni Jeroboam. Wala siyang iniwan kay Jeroboam ni isa mang humihinga, hanggang sa kanyang malipol, ayon sa salita ng Panginoon na kanyang sinabi sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na Shilonita.
30 Ito ay dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam na kanyang ginawa, at kanyang ibinunsod sa pagkakasala ang Israel at dahil sa kanyang panggagalit sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
31 Ang iba pa sa mga gawa ni Nadab, at ang lahat niyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga hari ng Israel?
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 15:31 o Cronica .