Font Size
1 Mga Hari 17:10-12
Magandang Balita Biblia
1 Mga Hari 17:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, “Maaari po bang makiinom?” 11 Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay.”
12 Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos[a] na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 17:12 Saksi si Yahweh…Diyos: o kaya'y Hangga't si Yahweh na inyong Diyos ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.