1 Mga Hari 19:11-13
Ang Biblia (1978)
11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka (A)sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, (B)at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:
12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay (C)isang marahang bulong na tinig.
13 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay (D)tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978