Font Size
1 Mga Hari 19:3-5
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 19:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa (A)Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.
4 Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon (B)kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.
5 At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978