Add parallel Print Page Options

13 Samantala, nilapitan naman ni Adonias na anak ni Haguit ang ina ni Solomon na si Batsheba.

“Kapayapaan ba ang pakay mo?” tanong ni Batsheba.

“Opo! Kapayapaan po!” tugon ni Adonias, 14 at idinugtong niya, “May sasabihin po ako sa inyo!”

“Magpatuloy ka,” sagot ni Batsheba.

15 Nagsalita si Adonias, “Alam po naman ninyo, na ako sana ang naging hari; ito ang inaasahan ng bayan. Ngunit nawala sa akin ang korona at napunta sa aking kapatid, sapagkat iyon ang kagustuhan ni Yahweh.

Read full chapter