Add parallel Print Page Options

15 Nagsalita si Adonias, “Alam po naman ninyo, na ako sana ang naging hari; ito ang inaasahan ng bayan. Ngunit nawala sa akin ang korona at napunta sa aking kapatid, sapagkat iyon ang kagustuhan ni Yahweh. 16 Mayroon po akong hihilingin sa inyo. Huwag ninyo sanang ipagkakait sa akin!”

“Sabihin mo,” wika uli ni Batsheba.

17 At(A) nagpatuloy si Adonias, “Alam ko pong hindi siya makakatanggi sa inyo, maaari po bang hingin ninyo sa Haring Solomon na ipagkaloob sa akin na maging asawa ko si Abisag, ang dalagang taga-Sunem?”

Read full chapter