Font Size
1 Mga Hari 2:23-25
Magandang Balita Biblia
1 Mga Hari 2:23-25
Magandang Balita Biblia
23 Nanumpa noon si Haring Solomon, “Parusahan nawa ako ni Yahweh kapag hahayaan ko pang mabuhay si Adonias dahil sa ginawa niyang ito! 24 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy[a] na naglagay sa akin sa trono ng aking amang si David, at nangakong mananatiling maghahari sa Israel ang aming lahi; sa araw ding ito'y mamamatay si Adonias.”
25 Kaya't iniutos niya kay Benaias na patayin si Adonias, at ganoon nga ang nangyari.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 2:24 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.