Add parallel Print Page Options

Bukod dito'y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na (A)anak ni Sarvia sa akin, sa makatuwid baga'y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na (B)anak ni Ner, at kay Amasa na (C)anak ni Jether na kaniyang pinatay, at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang, at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa.

Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol.

Nguni't pagpakitaan mo ng kagandahang loob ang mga anak ni Barzillai na (D)Galaadita, at maging kabilang sa nagsisikain sa iyong dulang; (E)sapagka't gayon sila nagsilapit sa akin nang ako'y tumakas kay Absalom na iyong kapatid.

Read full chapter