Add parallel Print Page Options

Nasa(A) iyo rin si Shimei na anak ni Gera na Benjaminita, na taga-Bahurim, na lumait sa akin ng matindi nang araw na ako'y pumaroon sa Mahanaim, ngunit nang lumusong siya upang salubungin ako sa Jordan, ay isinumpa ko sa kanya sa Panginoon, na sinasabi, ‘Hindi kita papatayin ng tabak.’

Ngayon nga'y huwag mo siyang ituring na walang sala, sapagkat ikaw ay lalaking matalino at malalaman mo kung ano ang dapat gawin sa kanya, at iyong ibababa na may dugo ang kanyang uban sa ulo sa Sheol.”

Namatay si David

10 Pagkatapos, si David ay natulog[a] na kasama ng kanyang mga ninuno, at inilibing sa lunsod ni David.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 2:10 o namatay .