Add parallel Print Page Options

19 At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: (A)Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang (B)buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.

20 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan.

21 At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya.

Read full chapter