Add parallel Print Page Options

28 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang (A)Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat.

Sinalakay ang Ramoth-galaad.

29 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.

30 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay (B)nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.

Read full chapter