Font Size
1 Mga Hari 22:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 22:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ngayon nama'y si Jehoshafat ang kanyang hinimok. Ang sabi niya, “Samahan mo naman kami sa paglusob sa Ramot-gilead.”
Sumagot si Jehoshafat, “Kasama mo ako at ang aking mga tauhan, at ang aming mga kabayo at kasangkapan. 5 Ngunit sumangguni muna tayo kay Yahweh.”
Ang Hula ng mga Bulaang Propeta
6 Tinipon nga ni Haring Ahab ng Israel ang kanyang mga propeta. May apatnaraan silang lahat at itinanong, “Dapat ko bang salakayin ang Ramot-gilead?”
“Salakayin ninyo! Tutulungan kayo ni Yahweh at matatalo ninyo ang kaaway,” sagot ng mga propeta.
Read full chapter