1 Mga Hari 3:4-6
Ang Biblia (1978)
4 At ang hari ay naparoon sa (A)Gabaon upang maghain doon; (B)sapagka't yaon ang (C)pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon.
5 (D)Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
6 At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978