Add parallel Print Page Options

11 At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan, at dalawang pung takal na taganas na langis; (A)ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon.

12 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; (B)at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.

13 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.

Read full chapter