Font Size
1 Mga Hari 5:3-5
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 5:3-5
Ang Biblia, 2001
3 “Alam mo na si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon niyang Diyos dahil sa mga pakikidigma sa palibot niya sa bawat dako, hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kanyang mga paa.
4 Ngunit ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Diyos ng kapahingahan sa bawat dako; wala kahit kaaway, o kasawian man.
5 Kaya't(A) layunin kong magtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon kong Diyos, gaya ng sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, ‘Ang iyong anak na aking iluluklok sa iyong trono na kapalit mo ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’
Read full chapter