Add parallel Print Page Options

10 At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.

Ang tipan ng Dios.

11 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,

12 Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, (A)kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay (B)David na iyong ama.

Read full chapter