Font Size
1 Mga Hari 6:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 6:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
32 Tablang olibo rin ang dalawang pangsara, at may ukit itong imahen ng mga kerubin, punong palma at mga bulaklak. Ang mga pangsara'y may kalupkop na gintong kapit na kapit sa mga nakaukit na larawan.
33 Parihaba naman ang pintuan ng Dakong Banal. Kahoy na olibo ang mga hamba ng pintong iyon, 34 at tablang sipres naman ang mga pinto. Bawat pinto ay may tigalawang panig na natitiklop.
Read full chapter