Add parallel Print Page Options

12 At ang malaking looban sa palibot ay may (A)tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay.

Si Hiram sa Tiro ay gumawa sa templo.

13 At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa (B)Tiro.

14 Siya'y anak (C)ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama (D)ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, (E)at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain.

Read full chapter